Nakakatakot na Pagguho ng Lupa sa Albay, Dulot ng Sunod Sunod na Bagyo
Nagkaroon ng malaking Soil Erosion sa Albay matapos umano ang sunod sunod na ulan sa kanilang lugar na naging dahilan upang lumambot ang lupa at gumuho ito.
Ayon sa isang page sa fb, matapos umano ang sunod sunod na pag-ulan ay nagkaroon ng Soil Erosion sa Brgy. San Roque, Malilipot Albay.
Nadamay umano sa pagguho ng lupa ang kanilang kalsada at pinapalikas na rin ang mga nakatira sa naturang lugar upang maiwasan ang peligro dulot ng pagguho ng lupa.
Narito ang kabuuang post,
Matapos ang sunod sunod na pag-ulan dulot ng mga bagyong nagdaan sa Bicol Region, Nagkaroon po ng soil erosion sa Brgy. San Roque, Malilipot Albay at kasalukuyang nilalamon ang ilang kabahayan at kalsada.
Pinapalikas na po ang nga residente malapit sa malalaking uka upang maiwasan ang peligro at panganib dahil sa posibleng pagbagsak pa ng lupa. Please share po natin ito upang maging aware ang mga kababayan nating walang masagap na balita sa mga nasalanta ng bagyo.
No comments