any

Nadia Montenegro, Umiyak Matapos Lumubog sa Baha ang Kanyang mga Gamit at mga Sasakyan



Napaiyak na lamang si Nadia Montenegro matapos malubog sa baha ang kaniyang mga kagamitan at mga sasakyan dahil sa baha dulot ng bagyo.

"to my Mom Kat stop crying na. We’ll make it through. My Hero Hutch Montenegro Pla & my whole family. i love u all." - saad ni Nadia Montenegro


Hindi rin nakaligtas sa baha na hatid ng bagyong Ulysses ang village sa Marcos highway kung saan nakatira si Nadia Montenegro.

Binahagi ni Kapamilya actress na si Nadia Montenegro sa social media ang kalagayan niya matapos masalanta din ang kanilang village sa Marcos highway ng bagyong Ulysses. 

Sa kanyang Instagram post makikitang pinasok ng baha ang kanyang bahay, lubog ang mga kagamitan at lumubog pa ang lahat ng kanyang mga sasakyan.


Nag-upload din ang aktres ng video kung saan mapapanood siyang umiiyak dahil sa nangyari.

Ayon kay Nadia, maraming gamit at pag-aari niya ang nasira dahil sa matinding baha subalit nagpapasalamat pa rin siya sa Diyos dahil ligtas siya at ang kanyang pamilya.

No comments