Minamaliit na Kargador Noon, Ganap ng "Doctor of Education" Ngayon
Isang lalaki ang minamaliit noon dahil isa lamang syang kargador, ngayon ay nakapagtapos na ng kolehoiyo at ganap ng "Doctor of Education".
Isang napakagandang halimbawa si Jonny Viray na ngayon ay isa ng ganap na "Doctor of Education". Ibinahagi niya ang nakakamangha niyang kwento sa DepEd Open Educational Resources (OER), isang grupo sa socila media platform na Facebook.
Kahit na pansit ay hindi sila makapaghanda ng makapagtapos sya ng high school bilang isang Salutatorian.
Mabuti na lang ay mayroon syang isang kaklaseng naghanda kaya naman doon na lamang siya nakikain. Noong nasa Elementarya naman si Viray ay madalas umanong lugaw lang ang kanyang binibili sa halagang P2 dahil ito lang ang baon niya.
Dahil umano sa walang pera at minsan ay hindi nakakakain si Viray ay nahihimatay ito sa gutom.
Gusto na umanong sumuko si Viray sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay ngunit tumatak sa isip nya ang sinabi sa kanya ng isa niyang Guro.
Kalaunan ay pumasok si Viray bilang kargador sa pantalan para mapagpatuloy nya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo at nakapagtapos siya bilang Cum Laude sa kursong Education.
Kumuha si Viray ng "Master of Arts in Education Major in Educational Management" sa Don Honorio Ventura Technological State University at kinumpleto nya doo ang kaniyang "Doctor of Education" at ngayon ay ganap na siyang Doktor ng Edukasyon.
No comments