any

Mga Netizen, Naawa sa Isang Kasambahay na Pinapanood lang ang mga Amo Habang Kumakain



Nakakaawang pagmasdan ang isang kasambahay na ito dahil pinapanood nya lang ang kanyang mga amo habang kumakain sa kanyang harapan at hindi man lang binigyan ng makakain.

Napakapalad ng ibang mga housemaid kapag nakatagpo sila ng mga among itinuturing silang tunay na kapamilya. Yung kumakain sila ng sabay-sabay sa isang hapag kainan, sinasama sila sa kung saang lugar na babakasyon nung mga amo nila.



Mayroon din namang mga kasambahay na tinuturing talagang mga utusan ng kanilang amo at minsan pinagluluto pa ng ibang putahi para lang talaga sa kanila.

Kaya nagviral kamakailan ang isang larawang kuha ng netizen, dito makikita ang isang OFW na nagtatrabaho diumano sa Singapore bilang Domestic Helper. Nag trending ang nasabing larawan dahil nanonood lamang siya habang kumakain ang kanyang mga amo sa isang restaurant.

Ang kumuha ng naturang larawan ay isang Pinoy din dahil sa awang-awa siya sa kanyang kababayan. Ayon pa sa facebook post ng nag ngangalang Regine Allones , isinalaysay niya ang kanyang nakitang sitwasyon.

Isang araw daw habang kumakain siya sa isang restaurant ay nakita niya ang isang pamilya na may kasamang isang OFW maid. Pag-kapasok ay agad na pinunasan ng maid ang mesa at silya ng bata at ng among babae.



Pagkatapos ay inihanda ng kasambahay ang pagkain ng bata, habang ang mga amo ay nag-order ng kanilang pagkain.

Pagdating ng pagkain ay napansin ng netizen na si Allones na walang ibinigay na pagkain para doon sa OFW na maid. Nakaupo lamang siya, habang pinapanood kumain ang mga amo.

Ayon kay Allones, sobrang nakakadurog ng puso habang nakikita niya ang kapwa Pilipino sa ganoong sitwasyon. Ngunit kahit ginusto niya raw na tulungan ito at bigyan ng makakakain ay hindi niya nagawa dahil baka lumabas na siya pa ang masama.

Narito ang kabuuang post,

“Kanina kumakain aq , tas ung matanda naghanap ng maupuan sa kopityam sa Clementi, tinawag ang maid nila, then c maid wiped the kids chair and table, hinanda nya ang pagkain ng bata tas ang amo nag order ng foods. Katulong nila sobrang payat saka mukhang unhappy, tuloy ang kain q naobserbaran ko tlga kung may pagkain yung maid, (walang binigay ng foods) she seats sa table pinapanuod ang mga amo na kumakain, it breaks my heart gusto ko sana bigyan pagkain kso baka ako pa maging masama. Bakit may mga taong ganyan kung mangtrato ng kapwa katulong daig pa ng isang aso parang antay lang ng tira tirang pag kain.

#RespectStillAHuman hndi Robot kakain at kakain yan. #IbangLahi

#And do not forget to do good and to share with others, for with such sacrifices God is pleased.

#Hebrews 13:16″

No comments