Matandang Lalaki, Inulan ng Biyaya Matapos Mag-Viral ang Kanyang Larawan
Isang matandang lalaki na nag-viral ang larawan ang inulan ng biyaya matapos syang bigyan ng tulong ng ilang Netizen na naawa sa kanya.
Trending kamakailan ang larawan ng isang lalaki na sinuklian ng matamis na ngiti ang natanggap na biyaya mula sa isang grupo na nagsagawa ng relief operations sa kanilang lugar sa Camarines Sur.
Trending kamakailan ang larawan ng isang lalaki na sinuklian ng matamis na ngiti ang natanggap na biyaya mula sa isang grupo na nagsagawa ng relief operations sa kanilang lugar sa Camarines Sur.
Dito ay makikita siyang nakangiti habang yapos ang isang puting supot na naglalaman ng relief goods. Ayon sa netizens, nagsilbing paalala ang priceless na reaksyon ni tatay Amado na maging masaya sa mga biyayang natatanggap.
“Nakatataba ng puso kapag ang kakarampot na tulong ay ikinatutuwa ng nakatanggap,” dagdag naman ni Qui N.
Dahil sa larawang iyon ay marami ang nagpaabot ng tulong para kay Tatay Amado. Bumalik doon ang uploader ng larawan upang maihatid sa kaniya ang mga karagdagang biyaya mula sa mga netizens na humanga sa kaniya.
“Maraming salamat po sa lahat ng nag-share ng photos ni Tatay. Mas marami na po tayong tutulong sa kaniya,” sabi ni Shirley.
Iniabot ni Shirley kay Tatay Amado ang cash donations at relief goods. Bukod pa sa mga ito ay may nagbigay rin ng kutson sa kaniya.
“Thanks po sa blessings. Another gift from God na nakapagpasalamin na po siya. Maraming salamat daw po ulit,” sabi ni Ayagil Pelonio sa isang Facebook post.
Nagpaalala naman si Shirley na maging ang mga maliliit na tulong ay maaaring magdulot ng malaking impact.
“Sometimes, one small act creates a big difference,” aniya.
Maraming salamat sa grupo ni Shirley at sa lahat ng mga nag-abot ng tulong para kay Tatay Amado.
No comments