Magkakapatid na Ulila na sa mga Magulang, Pinagsasaluhan ang Niyog, Toyo at Asin
Binahagi ng isang netizen na si Jopay De Guia sa Facebook ang mga larawan ng magkakapatid na nagsasalu-salo sa niyog, toyo at asin.
Ayon kay Guia kung minsan, ay talagang walang makain ag mga magkakapatid at nagtitiis nalang sa gutom.
Nabanggit din ng netizen na ang ama ng magkakapatid ay pumanaw na noong August 17, 2020, samantalang ang kanilang ina ay sumama na sa ibang lalaki.
"Eto po ung mga bata n Wala ng mga magulang 😞 salon salong kumakain ang ulam ay nyog at soy sauce lang minsan asin kong minsan nmn wla po tlgng makain nag titiis nlng ng gutom.. bukod tanging nag hahanp buhay lang sknla ay nkktndang kptd nila sa murang edad sumasabak n sa pag lalaot s dagat ...ang kanilang ama po ay kakamatay lang nong August 17, 2020 ang kanilang ina nmn po ay sumama na sa kabit
Address- Bicol purok 1A brgy San roque Mercedes Camarines norte..
Contact number- 09385153341"
Ang nakatatanda sa magkakapatid ang tanging naghahanapbuhay sa pamamagitan ng panghuhuli ng isada sa dagat.
No comments