any

Lolong Mag-Isang Nakatira sa Ilalim ng Tulay, Nanghihina na at Kailangan ng Tulong


Isang matandang lalaki ang nakatira sa ilalim ng tulay ang nanghihina na at mag-isa lang umano sa buhay.

Ayon sa post ni Alberto Tañala, nananawagan sya kung mayroong nakakakilala kay lolo na ang pangalan ay Victor Tilan.

Ayon umano kay Tañala ay nanghihina na ang matanda, bago daw ang lockdown ay binibigyan pa nila ito ng pagkain ngunit hindi na nilang muling nakita ang matanda ng mag-lockdown.


Nalaman na lang ni Tañala na nasa ilalim na ng tulay ang matanda at nanghihina na matapos siyang puntahan ng barangay official sa kanilang bahay.

Taga Tunga, Leyte si Lolo Victor at kung sino man umano ang nakakakilala kay lolo o kamag-anak nito ay kontakin lamang si Tañala.


Narito ang kabuuang post ni Alberto Tañala sa kanyang Fb account,

Nanawagan po kami baka meron pong nakakakilala sa kanya, ang name po nya Victor Tilan, pero claim na Tañala sya sa mother side.. nanghihina na po sya, kelangan po ng tulong, nakilala lang namin sya dito sa mandaluyong, nagpakilala Tañala din daw sya. minsan po pumupunta sya sa bahay binibigyan namin pagkain, pero time na naglock down hindi na po namin alam yung lagay nya. 

Nalaman na lang po namin ng may pumunta sa bahay namin na mga barangay officials. at nalaman namin na sa ilalim ng tulay na sya natutulog, taga tunga, leyte daw po sya kung sino po may nakakakilala sa mga kamag anak paki message na lang po ako. salamat po God bless po.

No comments