Lolang Palaboy na Natutulog sa Gilid ng Kalsada, Nananawagan sa Kanyang mga Anak na Tulungan Sya



Isang Lola na pulubi ang natutulog sa gilid ng kalsada at walang suot ng facemask sa kalagitnaan ng kumakalat na pandemya.

Ayon sa post ni Jaybee Villarico, Nakita nya ang matandang pulubi na si Epifana Monales sa labas ng pinagtatrabahuhan nya at wala daw umanong mapuntahan na kaanak ang matanda dahil nasa malalayong lugar sa ang mga ito.


Ayon pa kay Villarico ay walang gustong lumapit sa matanda dahil baka may C0VID-19 daw umano ito at nilakasan nya lang ang loob nya na lapitan ang matanda upang kausapin at tulungan ito.

Humihingi si Villarico ng tulong para sa matanda at nananawagan sya sa anak ng matanda na si Todoro Monares Abariel at sa iba umanong anak ni Lola Epifana.



Sa ngayon ay nasa Dalahican Lucena si Lola at nag-aantay ng tulong mula sa mga taong may mga busilak ang puso para makasama na ni Lola ang kanyang mga kaanak.

Narito ang kabuuang post ni Jaybee Villarico sa kanyang FB account,

Please tulungan nyo po ako na makarating ito sa mga anak ni Lola . Siya po si Epifana Monales . Isang matandang pulubi na nakita ko sa labas Ng bahay na pinagtatrabahuhan ko πŸ˜” wala napo siyang mapuntahan ngayon dahil malalayo na Ang mga anak nya sa kanya πŸ˜”
 



Sa ngayon sa tabing kalsada nalang sya natutulog πŸ˜” halos lahat ng tao takot sa kanya lumapit baka daw siya merong covid . Nilakasan kona lang loob ko para makausap siya at matulungan sya πŸ˜” Sana matulungan naten si Lola πŸ˜” nanawagan po ako sa anak nya na si Todoro Monares Abariel at iba pang anak ni Lola πŸ˜” Andito po si Lola sa Dalahican Lucena πŸ˜” please share para Kay Lola πŸ˜” Thankyou πŸ˜”


-Godbless Lola πŸ˜”πŸ˜’

No comments