any

Lola, Nanlumo ng Makitang Winasak ng Bagyong Rolly ang Kanilang Tahanan


Nanlumo na lang ang Nanay na ito ng datnan nya ang kanilang bahay na nasira ng bagyong Rolly matapos nilang mag-evacuate para di mapahamak sa hagupit ng bagyo.

Makikita sa larawan na ibinahagi ng isang Page na nasira ang bahay ni Nanay Nita na taga Purok 6, Herrera, Ligao City, Albay matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly.


Hindi umano sila makapaniwala na wala na silang dadatnang bahay matapos silang mag-evacuate bago humagupit ang bagyo.

Humihingi ng tulong si Nanay Nita at ang kanyang Asawa na matulungan silang mag-simula dahil winasak ng bagyo ang kanilang tahanan at ang ilang mga gamit nila ay nasira.

Narito ang kabuuang post ng Ang Burabod sa kanilang Page sa Fb,


Hindi mapigilang maging emosyonal ni Nanay Nita, residente ng Purok 6, Herrera, Ligao City, Albay matapos makita ang kanilang bahay na winasak ng Super Typhoon #RollyPH noong Linggo ng umaga.

Hindi ito makapaniwala na wala na silang mauuwian pagkatapos nilang mag-evacuate sa kanilang kapitbahay bago pa manalasa ang bagyo.

Kasama ni Nanay Nita sa bahay ang kaniyang asawa at ang pamilya ng kaniyang isang anak na may dalawang supling.

Nabasa ng ulan ang lahat ng gamit sa kanilang bahay kasama ang kalahating sako ng bigas na binilad kahapon upang mapakinabangan pa.

Sa mga nais tumulong sa pamilya ni Nanay Nita, maaari niyong ipadala ang inyong mga donasyon sa pamamagitan ng pag-message sa aming page o sa manugang ni Nanay na si Divanne Ferrer sa 09123985117.

Maaari rin kayong magpadala ng inyong tulong sa pamilya ni Nanay Nita sa GCash account ni Hon. SK Chairman Adrian Jones C. De La Torre:

GCash account: Adrian Jones De La Torre
GCash number: 09567106490

Tulungan nating magsimulang muli ang pamilya ni Nanay Nita. Dios mabalos po saindo gabos! 💖🙏

Photo credits: Adrian Jones C. De La Torre

No comments