any

Kuya Wil, Nagbigay ng P5M para sa mga Nasalanta ng Bagyo sa Catanduanes


Naghatid ng tulong na Limang Milyong Piso si Kuya Wil sa mga nasalanta ng bagyo sa Catanduanes.

Isa ang Gigmoto, Catanduanes sa mga lugar na matinding hinagupit ng Super Bagyong Rolly noong November 1, 2020.

Kahapon, November 8, 2020, bumisita si Willie Revillame, kasama ang staff ng Wowowin at kanyang mga kaibigan sa Gigmoto, Catanduanes,




Gamit ang helicopter na mismong si kuya Wil ang piloto nagdala sila ng mga kumot, gamot, at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayang nasalanta ng bagyo. 


Nagbigay rin si kuya Wil ng limang milyong piso kay Catanduanes Governor Joseph Cua bilang karagdagang tulong sa mga residente ng Gigmoto. 


Tila ghost town ang Gigmoto dahil sa mga bahay, puno, at pananim na winasak ni Super bagyong Rolly kaya wala pa rin kuryente at cellphone signal sa nasabing lugar.


Maaalalang isang residente ng Gigmoto ang nanawagan sa TV ng tulong mula kay Kuya Will na agad namang tinugunan ng TV host.

No comments