any

Kuya Wil, Muling Nagbenta ng Kanyang Sasakyan Upang Itulong Muli sa Mga Nasalanta ng Bagyong Ulysses




Magbebenta muli si Kuya Wil ng isa niya pang sasakyan para lang itulong sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa ilang lugar.

Pagkatapos ibenta ni kuya Wil ang P12M Range Rover para idonate sa Marikina at Montalban, ang kanyang P35M Rolls-Royce naman ang ibinebenta niya para sa mga kanyang kababayan sa Cagayan at Isabela.


Pinapabenta na rin ni Willie Revillame ang kanyang isa pang luxury car na Rolls-Royce.

Ito ang inihayag ni kuya Wil sa kanyang programang Wowowin kahapon, November 18. 

Sabi ni kuya Wil, “Kaya kinausap ko kanina yung pinagbenta ko ng Range Rover, sabi ko, 'Yung isa kong kotse ibenta mo na rin.'

“Kaninang umaga, sabi ko, ‘I-fastbreak mo na rin yung isa kong kotse para pupunta ako Cagayan tsaka Isabela.'


“Pinapabenta ko na rin po yung isa kong kotse na Rolls-Royce kahit na kung mura lang."

“Binili ko ng P35M, kahit kalahati na lang, sabi ko.”

Nilinaw rin ni kuya Wil na wala siyang balak pumasok sa pulitika kaya siya tumutulong sa kanyang kapwa.

No comments