Kuya Wil, Ibinenta ang Isang Sasakyan para Ipang-Donate sa mga Biktima ng Bagyong Ulysses
Nagbenta ng sasakyan si Kuya Wil para lang umano i-donate sa mga biktima ng bagyong Ulysses matapos nitong mag-donate ng P5M sa Catanduanes matapos din tamaan ng bagyo.
"Aanhin ko ho 'yung kotse kung marami akong kababayan na naghihirap? Kahit magbenta pa [ako] ng kahit anong pag-aari, pag-aari mo na hindi mo na kailangan. I think this is the right time." - Kuya Wil.
Sa espesyal na episode ng "Wowowin" noong Biyernes, Nobyembre 13, na dedicated para sa lahat ng mga biktima ng Bagyong Ulysses, inilahad ni Kuya Wil ang kanyang ginawang pagbenta.
No comments