any

Kinikilalang Ina ni Angeline Quinto na si Mama Bob, Pumanaw na




Pumanaw na ang kinikilalang Ina ni Angeline Quinto na ni Mama Bob na tumayong Ina at nag-aruga sa kanya.

"Kung wala po si Mama Bob, siguro wala rin pong Angeline ngayon,"-Angeline Quinto.

Isang nakakalungkot na balita ang aming natanggap pumanaw na ang ina ni Angeline Quinto na si Sylvia Quinto or Mama Bob ngayon araw, November 7.


Matatandaang noong Oktubre ay humingi pa ng dasal si Angeline para sa kanyang ina na sasailalim sa isang operasyon.

Si Mama Bob ang tumayong ina ni Angeline Quinto, siya rin ang nagpalaki at nag-aruga kay Angeline.

Sa isang Instagram post ng kaibigan ni Angeline na dating empleyado ng ABS-CBN na si Marcos Juan Castillo ay sinabi nito na pumanaw na nga ang ina ng singer habang nasa ICU ito.


"Last mong sinabi sa akin sa bahay niyo, 'Paano na yung condo mo kasama ka pala sa nawalan ng trabaho.' Hays, ma miss kita Mama Bob! RIP Mama Bob."
 

Nagluluksa ngayon ang aktres sa pagkawala ng kanyang Mama Bob.

Hindi pa rin tukoy kung ano ang ikinamatay nito.


No comments