Jericho Rosales at Asawang si Kim, Sinagip ang mga Na-Stranded sa Baha Gamit ang Surfboards sa Marikina
Sinuong ni Jericho Rosales at ang kanyang asawang si Kim ang baha gamit ang Surfboards para sagipin ang kanilang mga kababayan na na-stranded sa Marikina.
“Ayaw na nilang lumabas ng bahay, e. Takot sila kasi gusto nila may coast [guard] sana,” - Jericho Rosales
Kabilang umano ang Marikina sa nakaranas ng hagupit ng bagyong Ulysses.
Kaya naman gamit ang surfboards ng mag-asawa sumuong sila sa baha para tulungan ang kanilang mga ka-village sa Marikina City.
Matatandaan na taong 2009 ay ginawa din ni Jericho ang parehong pagtulong sa kanyang mga kababayan sa kasagsagan naman ng bagyong Ondoy.
No comments