any

Idol Raffy Tulfo, Kinamusta ang Batang Inabuso ng Kinakasama ng kanyang Ama




Kinamusta ni Idol Raffy Tulfo ang lagay ngayon ng batang si Baby MJ na dating binugbog ng kinakasama ng kanyang ama na si Berna.

Naalala nyo ba ang batang binugbog ni Berna?

Taong 2018 ng mag-viral sa social media si Berna Espina dahil sa pang-aabuso niya sa anak ng kanyang kinakasama.

2 years old pa lamang noon si Baby MJ, at halos hindi pa buo ang pagsasalita nang paulit-ulit niyang nababanggit ang "bugbog Berna" sa tuwing tatanungin siya kung ano ang nangyari noon sa kanyang mukha at katawan. 

Maraming netizens ang nagalit kay Berna dahil kitang-kita sa mga pasa at sugat ng bata ang tindi ng sinapit nito sa kanya.
 


Ngayong apat na taong gulang na siya, malaki na ang pinagbago ni Baby MJ na ngayo'y aktibo at masayahin na sa piling ng kanyang ina na si Marimar Quilap-Quilap.

Ayon sa ina, malaki na ang pinagbago ni baby MJ mula nang mangyari sa kanya ang pananakit ni Berna. 

Masayahin at masigla na raw ito at natututo nang makipaglaro sa kapwa niya bata. 

Ayon pa sa ina ni Baby MJ, Marso 2019 nang makulong si Berna habang ang kanyang ama naman ay nakulong na rin nitong Enero ng kasalukuyang taon. 

Panatag na daw ang kanyang kalooban ngayon dahil nabigyan ng hustisya ang sinapit ng kanyang anak na si baby MJ.

No comments