DepEd, Nagpa-Alala na Huwag umanong Masyadong Tambakan ng mga Gawain ang mga Estudyante
Nagpa-alala ang DepEd sa mga Guro na huwag umano masyadong tambakan ng gawain ang mga estudyante.
Huwag tambakan ng gawain ang mga estudyante ang paalala ng Department of Education (DepEd) sa mga guro ngayong "blended learning" ang paraan ng pagtuturo bunsod ng pandemya.
Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio nitong Lunes, nauunawaan daw niya ang sitwasyon ng mga estudyante sa bagong pamamaraan ng pagtuturo kung kaya nararapat na tantsahin lamang ang pagbibigay ng gawain.

“Tantsahin lang,” dagdag pa niya.
Nito lamang Oktubre 5 nagbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan. Kabilang sa mga pamamaraan ng pagtuturo ay ang paggamit ng broadcast media, online at self-learning modules.
No comments