Boyfriend ni Kiray, Nabigay ng Sweet na Mensahe sa Graduation Picture nito
May sweet na mensahe ang boyfriend ni Kiray Celis sa kanya matapos nitong ibahagi ang larawan ng Graduation picture nito.
Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang napakatamis na buhay pag-ibig ngayon ng aktres at komedyanteng si Kiray Celis. Maaaring maraming mga tao ang magsasabing hindi siya biniyayaan ng napakagandang mukha ngunit talaga namang mabuti ang kaniyang puso at totoong tao siya ayon sa kaniyang mga malalapit na kaibigan.
Talaga namang makikita sa kanilang mga mata ang labis na kasiyahan at pagmamahal. Dahil dito ay maraming mga netizens ang talagang kinikilig at sabay sabay na napapa-sana all sa kanilang pag-iibigan.
Marami ang nakapansin sa sweet message ni Stephan para sa kaniyang nobya. Habang nakangiti kasi ito sa harap ng kamera at nakasuot ng toga ay mayroon itong hawak na mensaheng nagsasabi na mahal na mahal niya si Kiray o si Johanna Ismael Celis sa tunay na buhay.
No comments