any

Bahay ni Gardo Versoza, Winasak ng Bagyong Ulysses




Winasak ng bagyong Ulysses ang bahay ni Gardo Versoza makikita ito sa ilang larawang ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Ibinahagi ng tinaguriang TikTok king ng Pilipinas ang aktor na si Gardo Versoza sa kanyang Instagram account ang larawan ng isang bahay na sira-sira. 

Makikita sa larawan ang natanggal na parte ng bubong, sira-sirang pundasyon at hagdanan ng kanilang bahay, at wala na rin ang sahig sa second floor.

 


Makikita rin sa larawan na bukod sa walang natirang gamit sa loob ng bahay, makikita din ang bakas ng pagbaha sa loob ng bahay. 

At ang tanging nasabi na lamang ni Gardo sa caption, "haaaaayyyyyy our house"



Gayunpaman, marami naman ang nagpaabot ng suporta sa aktor at nagsabing think positive at siguradong makakabangon sila ulit.

"Nakakalungkot pero sa picture na ito, may hope after the storm. Ayun kapag humakbang ka pataas andun me pag-asa - cute na doggie naka ngiti. "


"Grabe talaga ang bagyo. So sad and sorry but still thank the Lord na walang masama nangyari sa family." 

"Extremely sad for your family:-( Nevertheless, you're a cupcake full of faith and wisdom. You can get through all of these in no time...And what's more important Is that your family is intact and safe.. "


"looks like the house has good bones. ma restore rin yan in time - so long as safe lahat plus doggy. "


Noong Lunes ng hapon, nagbahagi si Gardo Versoza ng isang clip na makikitang siya at mga kasamahan niya na sumasayaw habang naglilinis. Kilala ang aktor sa kanyang mga TikTok dance video.

No comments