any

Babaeng Tinanggihan na Pautangin ng Kanyang Kumare, Sinabihan agad Nito na "Magkasakit pa sana anak mo"




Isang babae ang galit na galit matapos hindi pautangin ng kanyang kumare at dinamay pa umano ang anak nito na sana daw ay magkasakit.

Tila nag-iba na ang panahon ngayon, dumadami na ang mga pangyayari kung saan marami sa mga kaibigan at mga kumare na iba na ang turing at rason sa kanilang mga pinililing kaibigan at kinukuhang Ninang ng kanilang mga anak. 

Tulad nalang ng nasirang pagkakaibigan nina Rain Rain at ng Nanay ng kanyang inaanak. 

Humingi ng panghandang cake ang kaibigan at kumare ni Rain para sa sabay nilang kaarawan ng inaanak nito at umutang din ng pera para pandagdag sa gastos ng panghanda nila. 

Ngunit ikinagalit ng kumare niya ng tinanggihan niya ito dahil sa kapos din siya sa ngayon gawa ng puro gastos pang-ospital at pinang-oopera sa Lolo niyang maysakit. 

Dito ikinagulat ni Rain nang magsimulang magpumilit ang kaibigan at kumare niya na aniya magaling lang daw siya sa iba niyang mga kaibigan. Nagbitiw pa itong ng mga masasamang salaita na makakarma lang din daw siya pagdating ng araw dahil sa hindi pagbibigay nito at pagpapautang sa kanya. 

Pero kahit pa sa mga pagpapaliwanag ni Rain sa kaibigan niya patuloy padin ang mga masasamang sinasabi ng kumare niya laban sa kanya hanggat sa pati ang Anak niya ay dinamay pa.

"Napakabastos mo na. Nagbago kana talaga. Kainin mo yang pera mo! Babayaran ko din naman sana yan. Wag kang makialam kung magpa bongga ako. Makakarma ka din dae. May karma at nakatingin ang karma sayo. Antayin mo lang. Napakabastos mo," 
saad ng kaibigan ni Rain. 

"Magkasakit pa sana yang anak mo. Makarma pa sana yang anak mo na walang Ama," dagdag niya.

No comments