any

April Boy Regino, Pumanaw na sa Edad na 51-Anyos



Pumanaw na si April Boy Regino sa edad na 51-anyos na napabalitaan noon na nagkaroon ng Prostate can.cer at heart problem.

PUMANAW na ang OPM icon na si April Boy Regino. Siya ay 51 years old.

Kinumpirma ng kanyang anak na si JC Regino ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.


Nag-post din ang kapatid niyang si Vingo Regino sa FB para ipaalam sa kanilang mga kapamilya at kaibigan na namaalam na ang veteran singer-composer.

“Nakakalungkot naman ang araw na ito..wala na ang kuya april boy ko…” ayon kay Vingo.


Wala pang official statement ang pamilya ni April Boy tungkol sa kanyang pagpanaw.

Kung matatandaan nakipaglaban ang OPM icon noon sa prostate cancer at heart problem. Nabulag din ang isa niyang mata dahil sa diabetes.


Binansagang Idol ng Bayan si April Boy o Dennis Regino Magloyuan Magdaraog sa tunay na buhay dahil na rin sa tinamong kasikatan sa larangan ng pagkanta.

Ilan sa mga OPM classic na pinasikat niya noong dekada 90 ay ang “Paano ang Puso Ko”, “Umiiyak Ang Puso,” at ang walang kamatayang “Di Ko Kayang Tanggapin.”


Bumuhos naman sa social media ang mensahe ng pakikiramay para sa pamamaalam ni April Boy.

No comments