any

Angelica Panganiban, Binatikos ng mga Taga-Suporta ni Pangulong Duterte dahil sa kanyang Tweet


Nagpasaring si Angelica Panganiban kay Pangulong Rodrigo Duterte na Kumilos dahil sa humagupit na bagyo sa ilang lugar sa Pilipinas.

Ayon umano kay Angelica, nagtatanong sya kung may palano ba ang gobyerno na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.

"Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga pilipino..." -Angelica Panganiban


Sa kasagsagan ng Super Typhoon Rolly sa Southern Luzon at Bicol region, nag-trending sa TwitterPH ang hashtag na #NasaanAngPangulo.

Nangyari ito matapos mapansin na wala si Pangulong Duterte sa Sunday press briefing tungkol sa aksyon na gagawin ng pamahalaan para matulungan ang mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Rolly.



Ipinaliwanag naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na umuwi ang Pangulo sa Davao at nakatakdang bumalik sa Maynila sa November 3.

Ayon kay Spox. Roque, ang Pangulo umano ang nag-utos na magkaroon ng press briefing. 


Kahit walang binanggit na pangalan ang aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang tweet, marami ang naniniwalang para sa Pangulo ang cryptic post niyang ito:

"Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga pilipino..."

Dahil dito, binatikos si Angelica ng mga sumusuporta sa Pangulo


1 comment:

  1. ha ha who are you are, artista ka nga, sounds rude, how dare you to say that, what do you think our dear President has no right to rest, you know Sunday is a rest day, wala kang alam, kahit nasa bahay gumagana ang utak ng tao, di mo nakikita at wala kang gustong makita sa mga na accomplished na ng mahal na pangulo, ikaw ang gumising, tulog ka kasi ng tulog kaya napag iiwanan ka, kung wala kang magawa at masabi na di maganda manahimik ka na lang, Peace be with you, we Love the President, mabuhay ang mahal na Pangulo. God Bless the Presidnet and the Philippines

    ReplyDelete