Anak ni Super Tekla, Isinugod sa Ospital


Isinugod kamakailan sa ospital ang limang buwang anak ng komedyanteng si Super Tekla. 
Nagka-pneumonia raw si baby Angelo at mabuti na lang at negative ito sa COVID-19. 

Pero ngayon ay nagpapagaling na raw ang kanilang anak.

Sa Facebook post niya nitong Biyernes, November 20, ibinahagi niyang inilipat na sa recovery ward mula sa emergency room si Angelo at mabuti na ang kalagayan nito.


“Sabi ko sa Kanya ni minsan 'di ako nagreklamo sa lahat ng pagsubok na naranasan ko then pumikit ako sabi ko lahat kakayanin ko, hinding-hindi ako magrereklamo, 'wag Mo lng pahihirapan si Angge.


“He answered and God knows kung ano kahinaan ko at alam niyang bibigay at ikalulumpo ko kaya 'di niya ako pinahirapan sa anak ko.

“Salamat Lord. Ang sigla na ni Angelo from ER transfer sa recovery ward. Lahat normal heartbeat, BP, oxygen level. Ginagamot na lang 'yung ubo niya. LORD SALAMAT,” sabi ni Tekla.

No comments