any

89-Anyos na Ina, Pumanaw Matapos Bugbugin ng Sarili niyang Anak




Isang kawawang ina ang pumanaw matapos bugbugin ng kanyang sariling anak sa Pangasinan.

Isang 89-anyos na ina na si Francisca Marquez na taga Barangay Bantog ang nasawi matapos umanong bugbugin ng kaniyang lasing na anak sa Asingan, Pangasinan. Ang suspek, itinanggi ang paratang.

Nadala pa raw sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay kinalaunan.

Sa isang cellphone video, makikita ang biktima na may mga pasa sa mukha.


Ayon kay Police Lieutenant Rey Floro Tuanquin, Deputy Chief ng Asingan Police Station, hinila, sinuntok at itinulak daw ang biktima kaya tumama ang ulo sa sahig.

Itinanggi naman ni Fernando ang paratang laban sa kaniya.

Paliwanag niya, dahil sa katandaan ay nagwawala umano at nagpupunta sa kalsada ang ang ina kaya naaksidente raw ito ng sasakyan.


"Wala akong ginawang masama diyan. Hindi ko sinaktan ang nanay dahil ako pa nga ang nagpapakain," 
paliwanag ni Fernando.

Pero desidido naman ang isang anak ni Francisca na si Dionio na sampahan ng kaso ang panganay nilang kapatid na si Fernando.

No comments