59-Anyos na Prinsipal, Sinisementuhan ang Hagdanan ng Paaralan at Inabot na ng Gabi
Isang Prinsipal ang nagpakita ng malasakit sa kanyang eskwelahan matapos nitong mag-isang sementuhan ang hagdan ng kanyang paaralan.
Ang nasabing prinsipal ay si Elmer Lumbo na 59-anyos sa Habana Integrated School, Buruanga, Aklan na nagpakita ng malasakit at dedikasyon sa kanyang trabaho.
Ayon sa anak nito na si Jose Elvis Michelet Lumbo, 8:51 na ng gabi ay nasa eskwelahan pa ang kanyang tatay dahil nagsesemento pa ito ng hagdanan at nagri-riprap.
Kaya raw ito nanguna sa konstruksyon sa mga istruktura dahil sinisiguro nitong tama ang pagkagawa at nag-oovertime ito para mabawasan ang kanyang mga gawain.
Sabi ni Rhoby Fernandez, “Sir Elmer Lumbo is a very dedicated educator, a loving husband and father and a very down to earth, hard-working man. Thank you sir for your exemplary service to our learners and co-workers. May God bless you with good health and safety always.”
Si sir Elmer ay may anim na anak kung saan apat sa kanila ang nakapagtapos na ng pag-aaral. Dalawa naman sa mga ito ang naging guro.
No comments