11-Anyos na Batang Babae, Pinag-Asawa ng Kanyang Ina sa 47-Anyos na Lalaki



Isang 11-anyos na dalagita ang pinag-asawa na ng kanyang ina sa isang matandang lalaki na may edad na 47-anyos.

Ayon sa tito ng bata na si Marjon Laña, humihingi sya ng tulong kay Idol Raffy Tulfo para umano sa kanyang pamangkin na 11-anyos pa lamang ay pinag-asawa na ng kanyang ina.


Pumayag umano ang ina ng bata na kapatid ni Laña kahit nasa murang edad pa ang kanyang anak ay pinag-asawa nya na ito sa isang lalaki na 47-anyos na.

Gusto umano ni Laña na makasuhan ang lalaki ng child abuse dahil sa ginawa nito sa kanyang pamangkin at para na rin sa ikabubuti nito.


Narito ang kabuuang post ni Marjon Laña sa kanyang Fb account,

Sir idol Raffy Tulfo hihingi Sana ako Ng tulong sa inyo tungkol po sa pamangkin kong babae na 11 years old. Pinag asawa na Kasi sya nang kanyang ina na kapatid ko, sinira Ng kanyang ina Ang kinabukasan Ng pamangkin ko, sa murang edad na 11 years old ay pumayag sya na mag asawa na


Ang masaklap pa dito ay Ang lalaki 47 years old na,,, gusto po naming makasohan si lalaki dahil child abuse yong ginawa nya sa pamangkin ko,,,, Sana po maaksyonan nyo po para sa ikabubuti Ng pamangkin ko... Salamat po...

1 comment: