any

VP Robredo, Palaging Ipinagdarasal si Pangulong Duterte




Palaging ipinagdarasal ni VP Leni Robredo na gabayan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Inamin ni Vice President Leni Robredo na palagi niyang ipinagdarasal tuwing gabi si Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga hamon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Robredo, ang mga magiging tagumpay ng Pangulo ay tagumpay rin ng buong bansa.


“Oo naman, lagi. lagi pinagdadasal kasi ano naman eh, his success is success for our country,”
sabi ni Robredo.

Palagi aniya niyang ipinapanalangin ang karunungan at patnubay para kay Pangulong Duterte upang makapagbigay siya ng mabuting desisyon.


Bukod dito, ipinapanalangin din ng Bise Presidente ang mga nangangailangan ngayong pandemya.

Nananalangin din si Robredo sa Panginoon na gabayan palagi ang kanyang tatlong anak na sina Aika, Tricia at Jillian.

No comments