any

VP Leni, Hindi Imbitado sa Pagpupulong ng Gabinete Ayon sa Malacañang



Hindi inimbitahan ng Malacañang si Vice President Leni Robredo sa gaganaping Cabinet meeting sa Oktubre 12 dahil hindi umano sya miyembro ng gabinete ayon kay presidential spokesperson Harry Roque Jr.

“Siya ay Pangalawang Pangulo pero hindi po siya miyembro ng Gabinete kaya hindi po siya maiimbita sa Cabinet meeting,”- saad ni Roque.


Pinatawag ni Pangulong Duterte ang lahat ng miyembro ng gabinete para talakayin umano ang pagbubukas ng ekonomiya at hamon pampublikong transportasyon sa kalagitnaan ng pandemya.


Itinakda ni Duterte ang pagpupulong matapos ang panawagan kamakailan ni Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua sa pamahalaan na patuloy ng buksan ang ekonomiya kasunod ng pagtaas ng kagutoman at malnutrisyon sa mga bata.



“Marami na ang naghihirap dahil sa pinakahabang lockdown natin. Kaya na ba natin na bigyan ng lunas ‘yung mga matinding magkakasakit o ‘yung mga severe o critically-ill dahil sa COVID-19 para mabuksan ang ekonomiya? ‘Yan po ang bibigyan ng kasagutan,”
-dagdag pa ni Roque<
/div>


“Kung meron siyang bagong suhestiyon I am sure ikokonsidera po ‘yan. At lahat naman po ng Cabinet members na pupunta doon sa pagpupulong na ‘yun ay dala-dala ang sentimyento hind lang ng kanilang personal kung hindi ang sentimyento ng taumbayan,”
- ani pa ni Roque

1 comment:

  1. insensitive inform your team to act not to criticized, it is better to do what is right or good for the people. not to politicalized.

    ReplyDelete