any

Syrian Vlogger, Pinakyaw ang Tindang Ice Cream ng Isang PWD at Balak rin nitong Bigyan ng Maliit na Puhunan



Isang Syrian Vlogger ang pumakyaw sa panindang ice cream ng isang PWD na putol ang isang paa at binigyan nya pa ito ng extra pang pera.

Ayon sa Syrian Vlogger na si Basel Manadil, papunta umano sya sa construction depot sa alabang nang makita nya sa daan ang isang naglalako ng ice cream.



Ayon kay Basel ay kakatila lang umano ng ulan noon at naglalako pa rin ng ice cream kaya gusto nya itong tulungan, imbis na ipambili nya ng tiles ang kanyang pera sa kanyang bahay ay pinakyaw nya na lang ang paninda nito.




"Kakatila lang ng ulan pero naglalako pa rin siya ng ice cream. Instead of splurging the money I saved for the natural stones (tiles) I was eyeing for very long, I decided to give it to this well deserving person instead,"
- ayon sa Syrian Vlogger.


Bumaba umano sa kanyang sasakyan si Basel para makipagkwentuhan sa nagtitinda ng ice cream para na rin tulungan din ito.

Ayon sa Vendor ng ice cream na PWD, pinutol umano ang isa nyang paa dahil sa tumor na tumubo dito.


Matapos ang kanilang kwentuhan ay pinakyaw na ni Basel ang paninda nito at nagbigay pa ng extrang pera.

Nais din ni Basel na bigyan ito ng maliit na puhunan para sa isang maliit na negosyo.

No comments