any

Super Tekla, Inahayag ang Dahilan kung Bakit sya Galit sa Video na Inilabas ni Michelle


Kinuwento na ni Super Tekla ang tunay na nangyari kung bakit sya galit sa video na pinakita ni Michelle kay Idol Raffy Tulfo.

Kamakailan ay inamin ni Super Tekla kay Ogie Diaz kung bakit tila galit na galit siya sa video na ipinakita ni Michelle Lhor Bana-ag kay Raffy Tulfo.


Sa vlog ng talent manager, dinetalye ni Tekla kung ano ang nag-uudyok sa para kumprontahin ang kanyang live-in partner.

"Bakit that time na-ano namin sumisigaw ka? Nakita namin, napanood namin sumisigaw ka,” tanog ni Ogie.


Sumagot si Tekla na binalaan siya ng isa sa kanyang mga kaibigan na nag-post laban sa kanya si Michelle sa social media na maaaring makaapekto sa kanyang imahe.

"May isang kaibigan, nagmamalasakit, kasi naka-block na ako sa kanila e.”


"Nagla-live pa ako sa labas. Nag-eentertain pa rin ako ng tao without knowing na may plan na sa likod ko.”


“May isang nagmamalasakit na friend, nabasa ko sa comment section sa live ko na 'ina-ano ka ng partner mo'. Parang wina-warningan ako na 'baka mapahamak ka'. So, di ko pa nga pinansin e. And then hindi huminto 'yung friend ko na 'yon. Ini-screenshot niya lahat ng posts ni partner para i-send sa akin. And then nang nabasa ko, nag-explode ako. Sumabog na ako. Nagalit ako.”


“And then nung galit ako, kinompronta ko sila.
” Gayunpaman, hindi isiwalat ng komedyante kung tungkol saan ang post ni Michelle.

No comments