any

Raffy Tulfo, Naglaan ng P1M para sa Pagsampa ng Kaso ng Lady Grab Driver sa PNP Captain na Nagpakulong Sakanya




Naglaan ng P1 million si Sir. Raffy Tulfo para pantulong sa lady Grab driver na ipinakulong ng PNP Captain.

Matapos ang pitong araw na pagkakakulong ay pansamantala nang nakalaya ang babaeng Grab driver na si Mary Florence Norial matapos niyang makapagpiyansa sa kasong isinampa sa kanya ni P/Capt. Ronald Saquilayan na nakaalitan niya sa driveway ng Starbucks sa Taguig City.


Sa kanyang Facebook post (Floranne Rivera ang account name na gamit), nagpasalamat ni Norial sa mga kaibigan, kaanak at mga netizens na tumulong sa kanya.

“Thank you for standing by my side all throughout this battle. Maraming salamat po sa relatives, mga kaibigan, at netizens na tumulong, nagdasal, nag-message, at nag spread po ng videos para makarating kay Sir Raffy Tulfo at Grab. Buong buhay ko pong tatanawing utang na loob ito sa inyo. Sa wakas nakalabas na po ako sa kulungan kahapon,” ayon sa FB post niya nitong Oktubre 14.


Sa pamamagitan ng staff ng programang “Wanted sa Radyo” na nagtungo sa bahay ni Norial ay nakapanayam ito ni Raffy Tulfo at tinanong kung handa itong magsampa ng mga kaso laban sa PNP officer.


Ani Raffy Tulfo, kung itutuloy ni Norial ang asunto laban sa pulis ay maglalaan siya ng isang milyong piso na magagamit na panustos sa mga gastusin sa pagsasampa ng kaso.

Maging ang mawawalang income sa pagmamaneho ni Norial kapag may hearing sa korte ay sa nasabing pondo kukunin.


Kumunsulta na rin si Raffy Tulfo kay Atty. Garreth Tungol, ang Chief of Staff sa Office of Representative Jocelyn Tulfo ng ACT-CIS Partylist, kung anu-ano ang maaaaring isampang kaso kay P/Capt. Saquilayan.

No comments