Pinay na OFW, Binigyan ng Limpak-Limpak na Pera ng Amo para sa Pang-Kolehiyo ng Anak at Pampatayo ng Bahay


Isang Pinay na OFW sa Dubai ang binigyan ng limpak-limpak na pera ng kanyang amo para sa pang-kolehiyo ng kanyang at at sa pagpapagawa nito ng bahay dito sa Pinas.

Sa hangad na makaluwag-luwag sa buhay at maibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng pamilya, marami sa ating mga kababayan ang nagnanais pumunta sa ibang bansa upang magtrabaho doon para kumita ng malaki.


 

Nakakaengganyo man ang oportunidad na naghihintay abroad, hindi lahat ng mga pumupunta doon ay maganda ang nagiging kapalaran.

Sa kabutihang palad, hindi ganoon ang sinapit ng isang ginang na OFW o Overseas Filipino Worker sa Dubai, UAE na si Avelina dahil sa swerteng inabot nya mula sa kanyang amo na si Alex Hirschi.

Batid kasi nito na ganoon na lamang kung pahalagahan ng nasabing pinay ang kanyang trabaho para maitaguyod ang kanyang pamilya. Alam din nitong nag-iipon si Avelina ng malaking pera para sa pagkokolehiyo ng kanyang anak at para sa pampatayo ng bahay nito sa Pilipinas.

Kung kaya naman sa vlog si Alex, sinurpresa nya si Avelina at inabot ang boquet of flowers kasama ang isang maliit na box.

Nang buksan ito ng OFW, laking gulat nya nang makita ang napakalaking halaga at ang nasabi nya na lamang ay "I'm a millionaire sir!"





Paliwanag ng mabait na amo sa mapalad na pinay, "This is enough money to send your son to college or to help you build the house that you want back home when you retire."

Sa naturang vlog, ibinahagi din ni Alex kung gaano sya kapasalamat sa nasabing empleyado.


Aniya, magtatatlong taon na raw na nagtatrabaho ang pinay sa kanya at napaka-maaasahan nito sa lahat ng bagay; mapa-admin work man, paglilinis ng opisina, pagluluto, at maging pag-aalaga ng kanyang mga aso sa tuwing aalis sila.

"I just want to say she means so much to me. I couldn't do what I do today without her." saad ng kanyang amo.

"She is so integral to the Supercar Blondie family."
dagdag pa ni Alex.


Halos maiyak naman si Avelina sa naging regalo sa kanya ng kanyang amo.

Si Alex Hirschi o Alexandra Mary Hirschi ay ang sikat na babae sa YouTube Channel at Facebook page na 'Supercar Blondie' na nagfefeature ng mga mamahaling sasakyan o luxury cars.

Panoorin ang naturang Video,

No comments