any

PANOORIN! | Pulis, Tinulungang Manganak ang isang Babae na Inabutan ng Panganganak sa pila para Magpa-Swab Test


Isang babae ang inabutan ng panganganak sa swabbing center sa MOA Arena habang nakapila para magpa-swab test dahil isa ito sa requirements ng hospital bago manganak.

Habang nakapila ang babae para magpa-swab test ay bigla na lamang itong naglabor at nanganak sa naturang lugar.

Isang pulis ang tumulong sa panganganak ng babae habang ito ay nakapila para magpa-sawb test.


Ang nasabing pulis ay si Philippine National Police Medical Reserve Force deputy commander Police Lieutenant Colonel Jesus Ostrea na naka deploy sa naturang lugar at agad nitong tinulungan ang babae manganak.


“Tumakbo ‘yong isang utility at sinabi sa akin na ‘sir, may manganganak.’ So hindi naman ako nagdalawang isip na rumesponde kaagad. Kinuha ko ‘yong first aid kit namin dito,”-
 saan ni Ostrea.

Pinalakpakan ng mga netizen ang matagumpay na panganganak ng babae sa tulong ni Ostrea at agad itong dinala sa ambulansya para ideretso sa ospital.


Ayon sa Pulis na si Ostrea ay pangatlong beses nya na itong pagtulong sa nangangak.

“Noong lumabas na ‘yong bata, ako mismo napaluha po ako dahil ‘yon nga po, bibihira ‘yong tsansang dumating na magawa natin sa kapwa tao natin,”-dagdag ni Ostrea.

No comments