PANOORIN! | Pamilya na Hindi Nakakabayad ng Upa, Pinatanggalan ng Bubong ng May-ari
Isang pamilya ang tinanggalan ng bubong ng may-ari ng kanilang inuupahang bahay dahil mula pa noong Pebrero ay hindi na nagbabayad ng upa ang pamilya.
Tinanggalan ng bubong ang isang pamilyang nangungupahan sa General Mariano Alvarez, Cavite ng kanilang kasera dahil ayon sa may-ari ng paupahan mula pa noong Pebrero ay hindi na nakakabayad ng upa ang nasabing pamilya.
Makikita umano sa video ang sinasalok ng mga anak ni Frederic Faller ang tubig ulan sa tinitirahan nilang bahay matapos silang tanggalan ng bubong at kinandado pa ang kanilang gripo.
Ayon sa nangungupahan na si Frederic Faller, kaya umano sya hindi nakakabayad ng upa dahil hindi sya nagkakaroon ng magandang kita bilang taxi driver mula ng magkaroon ng pandemya sa bansa.
Pinaki-usapan naman daw ni Frederic ang may-ari ng bahay na bigyan umano sila ng palugit para makabayad ng upa ngunit hindi na pinakinggan ang pakiusap nya dahil marami ding problema ang may-ari ng kanyang inuupahan.
Sabi pa ni Frederic, kaya hindi sila nakakalipat ng bahay dahil wala din silang pera pambayad at umaasa lang sila sa pagbebenta umano ng sako.
Ayon sa kay Cheryl, wala man lang umanong inabot si Frederick kahit nakuha silang mag-asawa ng ayuda galing sa gobyerno.
Tinanggi din ni Cheryl na ginipit nya ang pamilya at inunawa nya pa ang mga ito kahit tinamaan na ng C0VID-19 ang kanilang pamilya.
Sinabi naman ng Kapitan ng barangay na hindi talaga nagbabayad ng utang si Frederic kahit wala pang pandemya at inalukan din nila ito ng relokasyon ngunit tumanggi ito.
"Hindi po siya tumutupad, talagang nagmatigas po siya kasi nga may anak siya du'n, ganu'n. Pero may lilipatan po siya sa barangay eh, kongkreto, bagong building. May kuryente, may tubig, sabi ko, 'libre ka na,' ayaw po niya sir. Nagmamatigas siya,"- saad ng kapitan ng barangay.
Sama naman ng ugali mga nito...my paupahan..hindi ako maniwala sa mga paliwanag ng my paupahan..style nila bulok systema..
ReplyDelete