any

PANOORIN! | Lolo na Nagtitinda ng Ice Cream Kahit Umuulan, Pinakyaw ng mga Sakay ng Delivery Track para Makauwi na ito




Masaya ang isang matandang lalaki na naglalako ng ice cream nang pakyawin lahat ng tinda nya ng mga sakay ng isang delivery track.

Matyagang nagtitinda ang matandang lalaki ng ice cream kahit na ito ay uugod-ugod na at kahit masama ang panahon ay sige lang sya sa paglalako ng kanyang tinda.


Ayon sa nagpost na si Patrick Mariano, naglilinis umano sya ng kanyang kwarto ng makita nya sa tapat ng bahay nila na may humintong delivery track na nakita pala nila ang matandang nagtitinda ng ice cream at agad nila itong pinakyaw.

Kahit umuulan ay nagtitinda pa rin ang matanda na nakasuot lamang ng raincoat, sumbrero, faceshield at facemask.



Para siguro makauwi na si tatay ay inubos na ang paninda nito para hindi na umano mahirapan pang maglako ito.

Ito ang kabuuang post ni Patrick Mariano,


Faith in humanity restored.

Kanina habang nagliligapit ako sa kwarto, may nakita ako sa labas na delivery truck na biglang pumarada sa harap ng bahay namin.


Doon ko nakita na tinigilan pala nila si tatay na naglalako ng ice cream habang umuulan. Inubos na pala nila yung tinda ni tatay para makauwi na at hindi na magkasakit dahil raincoat lang at sumbrero ang suot na proteksyon sa ulan ni tatay.

Shalom Organic Fertilizer, , salute to you for reminding us that a small act of kindness can bring enormous impact on someone else.


Seeing you do that gesture from a far without you knowing it inspired us to do better for other people.

God sees your heart and may God bless your business MORE!

P. S.


Was able to get sources/leads sa whereabouts ni tatay. Si tatay lang daw po di umano ang may gustong lumabas at magtinda. Hindi daw sya nire-require ng family nya. Siguro nasanay lng talaga si tatay na magtrabaho mula pagkabata nya kaya ayaw daw niya manatili sa bahay.

No comments