any

PANOORIN! | Lalaking PWD, Ginulpi ng Isang Lalaki dahil lang sa Nagkulang na Sukli


Isang lalaking PWD ang kinompronta at ginulpi ng isang lalaki dahil lang umano sa nagkulang na sukli.

Pinost ni Mary Jane Rubio ang video na sinasaktan umano ng isang lalaki ang kanyang pinsan na isang Person with disability o PWD dahil lang umano sa sinukli ng kanyang pinsan na umano'y kulang.



Matapos kumprontahin ng lalaki ang kanyang pinsan bigla nalang nitong binatukan, sinuntok at tinadyakan pa sa mukha hanggang mawalan umano ng malay ang lalaking may kapansanan.

Matapos ng nangyari ay nagkarap sa barangay ang dalawang panig at bibigyan na lang umano ng lalaki ng P7,000 ang PWD para sa pampagamot nito para iurong na rin ang kaso.

Kung hindi umano ito tatanggapin ng PWD at itutuloy ang kaso ay mahihirapan lang daw umano ito dahil mahabang proseso at gastos lang daw umano ito sa kanila.


Humihingi ngayon ng tulong ang pinsan ng biktima para makamit ng pinsan nyang PWD ang hustisya at para maparusahan ang lalaking gumulpi sa kayang pinsan.

Narito ang buong post ng pinsan ng biktima,

Eto po yung pinsan kong PWD kinompronta siya ni Jerry leal dahil kulang daw yung binigay na sukli sa kanya ng pinsan ko.

Walang ano ano ay bigla nlang nyang sinuntok at tinadyakan hanggang sa mawalan ng malay.

Nagharap sila sa brgy kanina ngunit magbibigay nalang daw ng 7k yung suspect para pampagamot ng pinsan ko at para iurong na rin ung kaso, kung di daw tatanggapin ang pera at itutuloy ang kaso mahihirapan silang magsampa dahil mahaba daw proseso at matinding abala at gastos dahil kailangan pa daw ng abogado.

Tulungan nyo po akong mabigyan ng sapat na kparusahan ang gumawa nyan sa aking pinsan.. Tulungan nyo po akong mkarating kay tulfo.

No comments