any

PANOORIN! | Idol Raffy Tulfo, Posibleng Ihinto ang Pagtulong Kay Michelle Lhor



Posibleng itigil na ni Idol Raffy Tulfo ang pagtulong nya kay Michelle kung mapapatunayang nagsisinungaling sya at magpopositibo sa dr*g test.

Hindi na binalewala ni idol Raffy ang panawagan ng mga netizens lalo na nga ang mga nakapanood ng video ng unang lumapit si Michelle para ireklamo ang partner nitong si Tekla.


Matatandaang matapos madinig ang panig ni Michelle ay galit na galit si idol Raffy sa mga nadinig mula kay Michelle.

Kabilang dito ang reklamong ginugutom umano sila ni Tekla tuwing hindi ito napagbibigyan ni Michelle na mag-do.

Kaya naman ay agad na nagpadala ng tulong pinansyal si idol Raffy.

Matapos naman madinig ang side ng mga nagtanggol kay Tekla ay nahati ang opinyon ng mga netizen.


Ang simpatya nila ngayon ay mas pumabor naman kay Super Tekla.

Hiling ngayon ng mga netizen kay idol Raffy Tulfo na naiipit na sa gulo ng dalawa sana daw ay ipa-lie detector test si Michelle para malaman umano kung siya ba ay nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo.

Pinagbigyan agad ni idol Raffy ang hiling ng mga netizens kaya naman tinawagan niya si Michelle upang tanungin kung papayag ba itong magpa lie detector test.


Pumayag naman si Michelle subalit tinanong niya si idol Raffy kung ano ang makukuha niya kung sakaling mapatunayang hindi siya nagsisinungaling.

Ayon kay idol Raffy itutuloy niya ang pagtulong nito kay Michelle kung mapapatunayan na hindi umano  siya nagsisinungaling.

At kung mapatunayan naman siya ay nagsisinungaling ay ititigil na umano ni idol Raffy ang kanyang financial support.

2 comments:

  1. Sana michelle hindi ka nagsisinungaling kasi nakakaawa ka kapag ikaw ay napatunayang nag iimbento lang ng kwento Alam mo ba ang ginawa mo kay tekla? Pinahiya mo sya At pinangalandakan mo sa buong mundo ung mga bagau na sinasabi mong hinaharas ka. Na nag sasarili sya kapg dika pumayag makipag sex sa kanya Sobrang kahihiyan un kay tekla Dahil buong mundo nakakaalam sa mga sinabi mo laban kay tekla Sana lang hindi ka nagsisinungaling.

    ReplyDelete
  2. Sa dami kong nakita michelle hindi mapupunta sayo simpatya ko dahil pinakita mong wala kng breeding

    ReplyDelete