any

PANOORIN! | Idol Raffy Tulfo, Inanyayahan na Magpa-Lie Detector Test at Dr*g Test Si Michelle Lhor



Inanyayahan ni Idol Raffy Tulfo ang kalive-in partner ni Super Tekla na si Michelle Lhor na magpa-lie detector test at dr*g test.

Umabot na sa part 4 ang Super Tekla serye sa programang Raffy Tulfo in Action sa YouTube.

Noong Martes, nagreklamo si Michelle sa programa sa YouTube na "Raffy Tulfo in Action" kung saan inakusahan niya si Tekla ng pang-aabuso.


Ayon kay Michelle, pinipilit siya ng komedyante na makipagtalik kahit sa mga araw na siya ay may sakit.

At kapag siya ay tumanggi, hindi umano siya at kanyang anak binibigyan ng pera para ipambili ng pagkain.



Pinabulaanan naman ni Super Tekla nitong Miyerkules ang mga akusasyong ibinato laban sa kanya ng kanyang live-in partner. 

Sa huling serye sinabi ni Michelle Lhor na maging ang kanyang 15-anyos na pamangkin na si Sean, ay nakaranas din ng pang-aabuso mula kay Tekla.


Ngayong Biyernes sa programang WANTED SA RADYO muling nakasusap ni idol Raffy si Michelle at inanyayahan niya ito na magpa-lie detector test at maging magpa-drug test.


"Michelle may request ang maraming netizen, ito po ay voluntary at ito rin po ay aking gagawing kundisyon bago namin kayo ipagpatuloy na tulungan.

Kayo po ay magpapa-lie detector test, para malaman kung kayo ay nagsasabi ng totoo o meron po kayong maitim na pakay at ito'y set up lamang. So willing ka?" 
tanong ni idol Raffy


"Anytime po sir", sagot ni Michelle.

"Good at hindi lang ikaw, maging yung sister mo. kasi nagsalita din yung sister mo eh, at pamangkin mo" sabi ni idol Raffy.


"Now meron pa po isa ma'am, drug test," dagdag ni idol.

"Sige po sir, anytime po lahat po yan handa ko po harapin." sagot ni Michelle.

Panoorin ang video sa ibaba:

1 comment:

  1. that was unfair for the girl side, kng ipalie detector yong babae dapat po pati yong c tekla. maging patas po tayo para ra lahat.

    ReplyDelete