any

PANOORIN! | Estudyante, Nagpakamatay Matapos Tanggihan ng Guro nito ang Ipinasang Module


Isang estudyante ang nagpakamatay matapos hindi tanggapin ng kanyang guro ang module na kanyang pinasa dahil late na umano itong pinasa.

Ayon sa kapatid ng biktima, umuwi ng bahay ang kanyang kapatid na umiiyak at sinira pa nito ang kanyang cellphone at wifi na ginagamit nito sa online class at dumiretso sa kwarto nito at humagulgol ng iyak.


"Hindi po kasi tinanggap ng teacher ang module nya, dahil late na daw ito ipinasa"
- saad ng kapatid ng biktima.

Nang yayain ng kapatid ng biktima para kumain ay laking gulat na lamang nya ng makita nya na nakabulagta na lang ang kanyang kapatid at wala ng buhay sa kwarto nito.

Ayon pa sa kapatid ng biktima, mahina daw talaga ang internet connection nila sa bahay ng kanilang pinsan kung saan sila nakatira ngayon kaya hindi umano naipasa ng kanyang kapatid sa takdang oras ang module nito.

"Mahina po kasi internet connection dito sa tinitirhan namin"- dagdag pa ng kapatid ng biktima

Narito ang kabuuang post,

Estudyante nagpakamatay dahil sa Module na late ng ipinasa.

Patay ang Estudyante matapos ito mag suicide dahilan sa hindi tinanggap ng kanyang guro ang kanyang module na late na niyang ipinasa.


Ayon sa Kapatid ng biktima, umuwi ito ng kanilang bahay na umiiyak ,sinira pa nito ang kanyang cellphone at wifi na ginagamit sa online class pagkatapos agad na pumasok sa kanyang kwarto na humahagolgol sa iyak, laking gulat na lang kapatid ng makita na lang niya ang nakababatang kapatid na naka bulagta na wala ng buhay matapos yayain sana nito para kumain.

Ayon sa kapatid ng biktima sadyang mahina lang talaga ang internet connection sa bahay ng kanilang pinsan kung saan sila nakatira kung kaya't hindi agad nakasumite ang kapatid ng kanyang module sa itinakdang araw ng pasahan.

Pls.teacher habaan pa nawa natin ang ating pasensya at pag-unawa! Lahat tayo hirap pa mag adjust sa bagong New Normal.

RIP sayo Makoy!

1 comment:

  1. dapat ihinto na yang module2 na yan kung hindi man lang rin marunong mag_adjust ang mga guro. alam naman natin na nagsakripisyo ang mga guro pero malaking sakripisyo rin sa mga estudyante sa panahong ito na may pandemic. lalong_lalo na ang mga network na ito... nakakalungkot isipin,. sana maging lesson ti learn nang ating kina uukulan at ng goberno...

    ReplyDelete