any

PANOORIN! | "Duguan si Tekla sa may kamay, at sa mukha sa may leeg "- Pahayag ng Dating Organizer ni Super Tekla




Nagsalita na rin ang dating organizer ni Super Tekla tungkol sa nangyari noong 2017 na nag-iskandalo si Michelle at sisirain nya daw umano ang career ni Tekla.

"Hindi naman po ako masyadong na-shock kasi 3 years ago mas worst pa yung nangyari rito sa Tacloban" - dating event organizer ni Tekla


Lumantad ang ebidensiyang pinost ng dating event organizer ni Tekla na si Winston Jay Ladera ang nangyaring gulo at pananakit ni Michelle kay tekla sa Tacloban city noong September 23, 2017.

Ayon sa kanya hindi na siya nagulat ng malamang pina-Tulfo ni Michelle si Tekla


"Hindi naman po ako masyadong na-shock kasi 3 years ago mas worst pa yung nangyari rito sa Tacloban"

"For me hindi si Tekla yung may problema,"


Napakababaw ng dahilan ni Michelle para saktan at alipustahin si Tekla ng ganun ganun lang.


Nangyari ito sa hotel ng ginising ni Tekla si Michelle umaga bago sila mag-away. 

Nagalit umano si Michelle dahil ginising siya ni Tekla para mag-ayos at mag-almusal na dahil aalis na sila papuntang airport.

Sa paggising ni Tekla kay Michelle ay agad nitong binasag ang mga plato sa lamesa sa loob ng kwarto nila sa hotel.


"Meron daw nagkagulo sa 2nd floor, pagdating namin dun pagbukas yung pinto nagkalat ang mga spaghetti, may basag na plato at tsaka yun wine,"


Nagulat si Tekla at natalsikan ito ng bubog sa kamay.


"Duguan si Tekla sa may kamay, at sa mukha sa may leeg "


Hindi lang doon nagtatapos ang away nila dahil sa pagbaba ni Michelle sa hotel ay nag iskandalo ito at pinagsisigawan sa lahat na sisirain niya ang career ni Tekla dahil buwisit umano ito.

"Yung girl medyo nagwawala na siya,"


Hinayaan lamang ito ni Tekla dahil nakakahiya sa mga tao na nasa loob ng hotel.

Sinubukang pakalmahin ni Tekla pero tuloy parin si Michelle sa pag-iiskandalo.

No comments