any

PANOORIN! | Dimples Romana, Niregaluhan ng Bagong House and Lot ang Kanilang Kasambahay sa Loob ng 17 Taon




Niregaluhan ni Dimples Romana ng bagong two-story house and lot ang kanilang kasambahay sa loob ng 17 taon.

Ayon umano kay Dimples, ang kanilang regalo para kay Ate V ay paraan nila upang ibalik ang lahat ng kanyang mga pagsakripisyo para sa kanilang pamilya sa loob ng labing pitong taon.
 


Ito ang pahayag ni Dimple sa kanyang Youtube Channel,

"Sa buhay natin, meron tayong mga kapamilya na maaring hindi natin kadugo na inaalagaan tayo, may malasakit sa atin, minamahal tayo ng higit pa sa mga pamilya nila.

Si Ate V namin is one of our biggest blessings in life.


Itinuring na nya kaming pamilya at pamilya na din namin sya.

Kasama namin sya sa kalungkutan, kaguluhan, sa pagpupursigi at sa tagumpay. 


She has been with us for 17 years, opo, kasing haba na din ng taon ng pag aasawa namin ni Papa Boyet at ng pamilya namin.

Kasama na namin sya nung nagsisimula pa lang kami.


Puro dasal at pangarap pa lang kami nun.

Nagsisimula pa lang mag ipon. 

May mga buwan na late namin syang nababayaran ng sweldo dahil abot abot ang mga gastusin namin.

I would always ask her and tell her pwede na nya kaming iwan dahil nahihirapan na kami to give her her salary, and yet through thick and thin, hirap at ginhawa, sa meron at wala, hindi nya kami iniwan.


Hindi namin maabot ang mga pangarap namin, kung walang "Ate V" kaming kaagapay sa araw araw na pamumuhay. 


My hubby and I believe that giving and sharing must always begin at home. We want Callie and Alonzo to know the value of gratitude and of sharing to family. And with the work that im blessed with now, ito ang paglalaanan namin nun.

God is Good. Punong puno ang puso ko ng pasasalamat sa Diyos, dahil ngayon, maibabalik na namin sa kanya ang lahat ng pagmamahal at taon na ibinuhos nya sa amin.

Eto ang pasasalamat namin sayo Ate V. Sana nagustuhan mo :)"


2 comments:

  1. wow galing nmman congrats kay ate V so alam na hndi tlga masama c daniela mabait tlga sya sa totoong buhay godbless sa inyong mag asawa...

    ReplyDelete
  2. Wow napaka buti mo talaga miss dimples,more blessings to come.sana pamarisan ka ng iba na marunong mag share Ng blessing.. godbless sa inyu mag asawa.

    ReplyDelete