any

PANOORIN! | Babaeng Ayaw mag-Facemask, Nandura pa kaya Pinag-Tulakan ito palabas ng Bus ng Kanyang Dinuraan




Isang babae ang ayaw mag-facemask sa loob ng bus at nanura pa ito ng isang pasahero kaya pinagtulakan ito ng lalaki palabas ng nasabing sasakyan.

Marahil ay wala nang iba pang mas babagay na kasabihan sa babaeng pasahero na ito matapos syang turuan ng leksyon ng kanyang kapwa pasahero sa sinasakyang bus.


Dahil sa nararanasang krisis sa buong mundo sa kasalukuyan, pagsusuot ng mask ang isa sa mga ipinatutupad bilang pangunahing paraan ng pag-iingat upang makaiwas sa lumalaganap na sakit.

Kaya naman nagkalat ngayon ang kwento ng hindi pagkakasundo ng ilan dulot ng hindi pagsunod ng iba sa napakasimpleng panuntunin na pagsusuot ng proteksyon.


Tulad na lang ng hindi inaasahang pangyayaring ito na labis na ikinagulat ng mga pasaherong nakasaksi at maging ng mga netizen na nakapanuod sa kumalat na video. 

Mapapanuod umano sa video ang isang ginang na nasa loob ng bus habang nakatayo ito at walang suot na face mask. 


Tila may nakasagutan ang nasabing babae na isa sa mga pasahero. Maya-maya pa ay may dinuraan na ito. 

Ang sumunod na eksena ay labis na ikinabahala ng marami sapagkat tumayo ang isang lalaking naka-mask at pinagtutulak ang babaeng nandura. 


Maririnig umao sa video ang pag-awat sa lalaki ng iba pang mga pasaherong nasa bus ngunit bigo silang pakalmahin ang naagrabyadong lalaki.

Buong lakas na tinulak ng lalaki ang pasaway na ginang hanggang sa tumalsik ito palabas ng bus at napadapa sa kalsada.

Halatang nagbigla ang mga nasa loob ng sasakyan ngunit hindi nila masisi ang kaawa-awang lalaki sa ginawa nya dahil sa ipinakita ng babae na kawalan ng respeto nang duraan sya nito sa mukha.
 


Makikita umano ang nanulak na lalaki na naiinis na pinupunasan ang kanyang mukha habang bumababa ang isang pasahero na nagpakita ng pag-aalala sa babaeng napatalsik ng 'di oras.

Paliwanag ng lalaki matapos tulakin ang babae palabas, "She spit on me!"

Tila hindi inakala ng nandura na ginang na magagawa iyon sa kanya ng naturang lalaki.

2 comments:

  1. The woman is wrong baka may sakit pa iyon nandura siya di napunta doon sa lalake. She deserved it!

    ReplyDelete