PANOORIN! | Babae, Nagwala Matapos Tanggihan ng KFC ang kanyang Order Dahil wala Itong Facemask

Isang babae ang nagwala matapos tanggihan ng isang fastfood chain dahil walang facemask ang naturang babae.
Upang maiwasan ang paglaganap ng sakit sa gitna ng krisis na nararanasan natin sa kasalukuyan, sari-saring health protocols ang ipinatutupad ngayon sa iba't-ibang bahagi ng bansa at ng buong mundo.
Ilan lamang dito ito ay ang pagsusuot ng face mask at face shield.
Upang maiwasan ang paglaganap ng sakit sa gitna ng krisis na nararanasan natin sa kasalukuyan, sari-saring health protocols ang ipinatutupad ngayon sa iba't-ibang bahagi ng bansa at ng buong mundo.
Ilan lamang dito ito ay ang pagsusuot ng face mask at face shield.
Subalit sadyang may ilang taong pasaway na ang hirap pakiusapan at ayaw sumunod sa mga simpleng alituntunin para sa kapakanan ng lahat. Tulad na lang ng babaeng customer na ito sa isang sikat na fast food chain.
"Give me something to f*cking eat! I'm hungry!" aniya kasabay ng ilan pang masasakit na salita hanggang sa puntong nananakot na ito na sasaktan nya ang empleyado.
Pero hindi nagpatinag sa babae ang mga nagtratrabaho doon at nanindigang kailangan nya munang sumunod o kung hindi, hindi sya maaaring mag-demand ng serbisyo mula sa KFC.
Nang bumalik ang lalaking crew na lumayo sa kanya noong una, sinabi nito na masisisante sya kung sakaling i-assist nya ang babae sa kabila ng pagsuway nito.
Bunsod ng pangyayari, nagpasya ang babae na umalis na lang. Pero bago pa man sya makalabas ay pinagbantaan nya pa ito at sinabing aabangan nya ito sa labas pagkatapos ng kanyang trabaho.
Hindi naman nakapagkomento ang KFC California branch sa nangyari.
Ang California ay kasalukuyang sumasailalim sa mahigpit na mandatory face mask policy.
No comments