any

PANOORIN! | Ang Bagong Simula sa Condo ni Super Tekla


Magsisimula na ulit si Super Tekla sa bago nyang buhay matapos syang ireklamo ng kinasama nyang si Michelle ng pang-aabuso sa Idol Raffy Tulfo.

Mapapanood sa isang vlog ng Donekla na iniwan ni Michelle ang condo ni Super Tekla ng marumi at dugyot kaya nilinis nila Donita at Tekla ang condo sa bagong panimula ng buhay ni Tekla.


Makikita sa latest vlog ng Donekla ng inaayos nila ang condo ni Tekla at bumili sila ng mga gamit upang muling maibalik ang ganda ng condo ng komedyante.

Bumili sila ng ilang gamit at pinaganda ang condo ni Tekla matapos itong babuyin ng pamilya ng dati nitong kinakasama.


Ayon umano kay Donita Nose ay may darating din para sa kaibigan nyang si Tekla.


"So kahit wala kang kasama, kahit ikaw lang. It will happen. May darating at darating din para sayo.
"- saad ni Donita.

Ayon pa kay Donita, tinulungan nya si Tekla dahil gusto nya na makitang masaya ito at pagandahin ang dating mukhang bodega na condo nya na ngayon ay mukhang bahay na muli.


"Friend ginawa ko to sayo kasi gusto kita maging masaya at the same time makita mo na ang bahay mo pala ay pwede naman palang maging bahay. Diba?"
- dagdag pa nito.

No comments