any

Pangulong Duterte, Gusto munang Ikonsulta sa Publiko ang Muling Pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant


Gustong ikonsulta muna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko para buhayin muli ang Bataan Nuclear Power Plant ayon sa Malacañang.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, Sinabi ni Pangulong Duterte kay Energy Secretary Alfonso Cusi noong nag-meeting sila ay konsultahin ang mga residente sa Bataan kung gusto ba nilang buhay muli ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).





“Ang sabi po ng ating Presidente, kinakailangan talagang pag-aralan, ibalik sa ground level. Tatanungin ang taumbayan ng Bataan kung ano ba talagang gusto nila. Hindi pupuwede na sa taas nanggagaling ang desisyon,”-
saad ni Roque.



Ayon pa kay Roque ay kailangan pag-aralan mabuti ang pagbubukas ng Nuclear Power Plant sa Bataan at sisimulan ito sa mga residente kung gusto ba nila itong buhayin muli.


“Inatasan na pag-aralan mabuti ung pagbubukas ng nuclear power plant sa Bataan… Ang sabi ni Presidente, start from the ground. Pag-aralan mabuti but start from the ground"
- dagdag pa ni Roque.

No comments