any

Pananakit ng Ambassador ng Pilipinas sa Brazil sa Isang Pinay na Kanyang Kasambahay, Huli sa CCTV


Huli sa CCTV ang ginagawang pananakit ng ambassador ng Pilipinas sa Brazil sa isang Pinay na kanyang kasambahay.

Iniimbestigahan ng DFA ang 8 buwan na umano’y pagmamaltrato ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa 51-anyos niyang kasambahay na isa rin Pinoy na nangyari sa loob ng kaniyang official residence sa Brazil.


Makikita sa video na sinampal, piningot, hinagisan ng gamit at tila kinurot ni Mauro ang kawawang 51-anyos na kasambahay.

Sa video, makikita rin ang kasambahay na minsang napaupo na lang sa pag-iwas kay Mauro, at may pagkakataon na nagpahid siya ng mukha na tila naiyak na sa ginawa sa kaniya ng amo.


Hiningan na umano ng panig si Mauro pero hindi raw ito tumugon.

Kung mapatunayang nagkasala si Ambassador Mauro, papatawan daw ito ng DFA ng nararapat na kasong administratibo o kriminal.

1 comment: