any

National ID, Sinimulan na ngayong ang Pagbabahay-Bahay


Sisimulan na ngayong araw ang pagbabahay-bahay para sa national id sa 32 probinsya dito sa ating bansa.

Sinimulan na ngayong araw ang pagbabahay-bahay para sa national id.

Sa unang step, kukuhanin ang demographic data ng indibiduwal, gaya ng pangalan, date at place of birth, blood type, marital status, permanent at present address, at iba pa.


Sa ikalawang step, kailangan na lang pumunta ng indibiduwal sa designated registration center para sa biometrics. Magsisimula ito sa Nobyembre 25.

"'Pag nakarehistro ka, mga 3 araw lang, iva-validate na ang iyong pagkarehistro. 'Pag validated at ikaw ay pumasa sa validation... papadalhan ka ulit ng text message na successfully registered ka," ani Bautista.

"Mai-isyuhan ng ID and then ipapadala sa'yo," aniya.

Bagaman hindi mandatory, hinihikayat ng PSA ang publiko na kumuha ng national ID dahil makatutulong umano ito sa mga transaksiyon sa pribado at pampublikong sektor.

"Libre po ito. Gastos lahat ng gobyerno," paliwanag ni Bautista.

Bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022, target ng PSA na makapagparehistro ang nasa 90 milyon Pilipino sa national ID system.

No comments