any

National ID Pre-Registration sa 32 Probinsya sa Bansa, Sisimulan na sa Oktubre 12



Sisimulan na sa Oktubre 12 ang pamamahagi ng National ID sa 32 probinsya, ayon ito sa isang ipisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang 32 probinsyang kabilang dito ay ang Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Albay, Camarines Sur, Masbate, Antique, Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Leyte, Compostela Valley, Davao Del Norte, Davao Del Sur, Davao Occidental, and Tawi-Tawi.




“Itong 32 provinces muna na ito, karamihan dito mababa ang Covid-19 cases at walang Metro Manila dito, wala 'yung mga high risk (areas). 'Yung iba, for next year na pag na-control na talaga natin itong Covid-19. Ayaw natin madaliin because of the Covid-19 so gumawa tayo ng sistema para makapagsimula na ng proseso."
- saad ni Jonathan Malaya.



Ayon naman kay nterior Secretary Eduardo Año, ang hakbanging ito ay angkop na dahil karamihan sa mga lalawigan na kasama dito ay nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ).

“We will deploy additional PNP (Philippine National Police) and barangay officials and volunteers to enforce the safeguards and minimum health standards,”- saad ni Año.


Samantala, sinabi ni Malaya na humiling ang PSA sa DILG “for assistance in securing a memorandum of agreement with various local government agencies".


“Instead of direct registration, our approach is pre-registration. Ang ibig sabihin ng pre-registration magbabahay-bahay si PSA, 'yung mga enumerators nila tapos kukunin 'yung basic data tungkol dun sa mga tao yung kasarian, yung pangalan."
- saad ni Malaya.

8 comments:

  1. To avail that valid id. You need to present valid id's. Only in the phil.

    ReplyDelete
  2. sana nga po magkaron na talaga ng national id
    ang hirap pag wla ka pag kaka kilan lan

    ReplyDelete
  3. Sa ncr or ditosa pasig santolan kelan kaya magpaparegister pra sa national ID.last year p k nag aaply sa nso/psa anonas quezon city.db raw.

    ReplyDelete
  4. Panu po makakakuha ng I'd.at saan po pwede kumuha

    ReplyDelete
  5. hindi kami naka pag preregister noong october 12, pwede pa kaya?

    ReplyDelete
  6. Kung ngstart po ito ng Oct. 12 hanggang kelan po ang house to house registration ?

    ReplyDelete
  7. Wala po ba sa Surigao or siargao island

    ReplyDelete