any

Namayapang Ina, Nag-Iwan ng Liham, Pera at Alahas para sa Kanyang mga Anak



Isang namayapang ina ang nag-iwan ng liham at pamana sa kanyang mga anak na nakasilid sa isang blouse ntio.

Ayon sa kapatid ng namayapa, makalipas ang apat na taon ay naisipan nilang tingnan ang mga lumang gamit ng kanyang ate at nakita nila ang isang blouse na nakatago sa dalawang damit at napansin nila na may laman ito.


“Habang nagse-celebrate kami, naisipan naming tingnan 'yung mga lumang gamit ni Ate Chari. Itong blouse ni Ate, nakatago pa sa loob ng dalawa pang damit. May bulsa at lumang-luma na. May napansin kami sa loob ng bulsa.”- saad ng kapatid ng namayapa."
- saad ng kapatid ni Chari

May laman pang pera at alahas na umano'y pamana nito sa kanyang anak.

Ayon pa sa kapatid ni Chari, simula ng mawala ang kanyang kapatid ay lagi nya itong napapanaginipan at ang sabi nito sa kanyang panaginip at tingnan nito ang mga lumang gamit sa kabinet.


“Simula nang mawala si Ate Chari four years ago, halos every day ko siyang napapanaginipan. Palagi siyang may tinuturo sa akin-- ‘yung cabinet niya. Bago ‘yung birthday niya ngayong taon, napanaginipan ko ulit siya. Sabi ko sa mga anak niya, tingnan namin ‘yung mga lumang gamit. Feeling ko kasi may naiwan ‘yung Mama n’yo.
"- sabi pa nito

Habang naghahalungkat sila ay may nakita silang alahas, pera at isang liham at simula na silang napaiyak.

"Habang naghahalungkat kami, nakita namin ‘yung blusa niya. Kinilabutan ako. ‘Yun kasi ‘yung lagi niyang suot sa panaginip ko! Nu’ng tiningnan namin may nakita kaming mga alahas, pera at isang liham! Nanginig kaming lahat, umiiyak kami. Nu’ng pagtingin namin sa likod, may nakita pa kaming nakasulat!”- dagdag pa nito

Ang laman nito ay liham para sa kanyang mga anak. Para umano sa pag-aaral ng mga anak nito ang laman na pera at gagamitin sa negosyo.


‘Para sa pag-aaral ni Tim, Hazel, Herica ang perang ito. Gagamitin nila ito sa pang negosyo nila at paramihin nila ang konting pamana kong ito sa kanila. May tatlong singsing ito at isang pares na hikaw. Paunlarin n’yo ang konting pamana ko sa inyo. Salamat, mga anak.

Mama'"

No comments