any

Magnanakaw ng Laptop, Inabutan ng May-ari sa Loob ng Bahay




Isang lalaking kawatan umano ng laptop ang inabutan ng may-ari sa loob ng bahay nito.

Arestado ang isang 19-anyos na lalaki na umano'y nanloob sa isang bahay sa Vigan City, Ilocos Sur at tangkang magnakaw ng laptop. Ang suspek, papatakas na nang makasalubong niya sa sala ang may-ari ng bahay.


Nahuli umano sa bahay ng biktima ang suspek  at kinilala na si Daniel Erfe, na itinanggi ang paratang na kawatan siya.

Ayon sa may-ari ng bahay na si Henrick Gorospe, nakasalubong niya ang suspek sa sala at nadulas nang tatakas na.

Nagpambuno raw sila ng suspek hanggang sa magising ang iba pa niyang kasama sa bahay kaya tuluyang naaresto si Erfe.

Ipinakita ang nasirang bintana sa bahay na sinasabing dinaanan ni Erte para makapasok.

Pero itinanggi ng suspek ang paratang at sinabing namasyal lang siya at ipinahawak lang sa kaniya ang laptop.

Sinabi pa ni Erfe na kasintahan daw niya ang anak ng may-ari ng bahay.

No comments