Mag-Ama, Kinayod na Niyog lang ang Kinakain Matapos mawalan ng Trabaho dahil sa Pandemya
Mag-ama kinayod na niyog lang ang kinakain matapos mwalan ng hanapbuhay dahil sa lockdown at hindi pa nakatanggap ng ayuda galing sa gobyerno.
Isa marahil sa pinakamahalagang bagay na pinagsusumikapan ng bawat isa sa atin sa ating pagpapagal sa ating mga trabaho ay ang mayroon tayong maihain na pagkain sa ating hapag-kainan, upang mayroon tayong maipangbili ng iba pang mga pangangailan natin lalo na ang pangangailangan ng ating mga anak.
Ang mas mahirap pa rito, dapat sana ay gatas ang iniinom ng kaniyang anak ngunit dahil wala pa silang natatanggap na tulong o ayuda mula sa gobyerno ay nakuntento na lamang sila sa kinayod na niyog bilang panglaman sa kanilang sikmura.
Ayon sa naturang programa ng pamahalaan ay magkaroon ng halagang P5,000-P8,000 ang mga kwalipikadong pamilya.
Sa kasamaang palad ay hindi pa nakatatanggap ng ganitong ayuda si Denmark Balobal. Isa siyang “taho vendor” na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin umano makapagtinda dahil sa ECQ at patuloy na paglobo ng bilang ng mga taong nagpopositibo sa C0VID-19.
Ang kaniyang misis na umano si Leah Sapanton ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa bansang Oman ngunit hindi rin ito makapagpadala ng pera dahil sa kakasimula pa lamang nito sa kaniyang trabaho. Nakapanayam naman ng “Magandang Buhay” ng ABS-CBN si Denmark na naiyak na lamang dahil sa kanilang kalagayan.Ngunit kahit pa sadyang napakasakit para sa kaniya ang walang maipakain sa kaniyang anak ay mas tinatatagan pa rin niya ang kaniyang kalooban para sa kaniyang musmos na anak at mas nananalangin pa sila sa Diyos.
Tunay nga na sana ay nabibigyang-pansin din umano ng mga kinauukulan ang mga ganitong klase ng pamilya na talagang nangangailangan ng kanilang mabilisang pagtulong.
No comments